Crime gang boss huli sa P20M halaga ng shabu sa Taguig City

By Jan Escosio December 14, 2022 - 03:39 PM

 

Bumagsak sa kamay ng Southern Police District (SPD) ang isang criminal group leader sa isang checkpoint sa Taguig City.

Kinilala ang naaresto na si Basser Utto, 32, ng Barangay Maharlika, sa naturang lungsod. Hinuli rin ang kasama niyang si Normina Datuan, 25.

Sinabi ni SPD Dir. Brig. Gen. Kirby Kraft nagsasagawa ang kanilang mga operatiba ng Oplan Sita sa Barangay Maharlika nang mapansin ang walang habas na pagmamaneho ng isang asul na Toyota Vios (EAD 2382).

Nang sitahin napansin ng mga pulis ang tea bags na may Chinese markings at naglalaman ng white crystalline substance.

Sa pagsisiyasat, nakita ang tatlong Chinese tea bags na naglalaman ng 60 plastic sachets, na may timbang na tatlong kilo.

Ayon kay Kraft, si Utto ang lider ng Utto crime gang na nagpapakalat ng droga sa Taguig at mga kalapit na lugar.

TAGS: news, Radyo Inquirer, shabu, taguig, news, Radyo Inquirer, shabu, taguig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.