Operasyon ng LRT Line 2 sa Disyembre 24 at 31, binawasan
Magpapatupad ng mas maiksing oras ng operasyon ang Light Rail Transit Authority sa bisperas ng Pasko sa Disyembre 24 at bisperas ng Bagong Taon sa Disyembre 31.
Ayon sa LRTA, hanggang 8:00 ng gabi lamang ng Disyembre 24 ang last trip ng tren ng LRT Line 2 sa Recto Station.
Hanggang 8:30 naman ng gabi ang last trip ng tren sa Disyembre 24 sa Antipolo station.
Sa Disyembre 31 naman, hanggang 7:00 ng gabi ang last trip ng tren sa Recto station at 7:30 ng gabi ang last trip ng tren sa Antipolo station.
Mananatili naman sa regular na oras ang operasyon ng LRT Line 2 sa Disyembre 25 at 30 at Enero 1.
Ayon sa LRTA, iniksihan ang oras ng biyahe sa mga nabanggit na petsa dahil kaunti na lamang ang pasahero nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.