Villanueva, Tulfo nais ang mas mataas na danyos sa maling pagkukulong

By Jan Escosio December 14, 2022 - 10:39 AM

 

Inihirit ng dalawang senador na tumaas ang kompensasyon sa mga inosenteng nakulong.

Sa ngayon, sa ilalim ng RA 7309, ang kompensasyon ay P1,000 kada buwan ng ‘unjust imprisonment or detention’ ngunit hanggang P10,000 o 10 buwan.

Sa inihain panukala ni Senate Majority Leader Joel Villanueva nais nitong tumaas sa P5,000 kada buwan ang kompensasyon at ang limitasyon ay hanggang P3,000.

“Tapos mag-establish man lang tayo ng trust fund. Kasi hanggang ngayon wala rin pong trust fund para sa mga wrongfully accused,” sabi pa ni Villanueva.

Samantala, sa kanyang privilege speech, kinondena ni Sen. Raffy Tulfo ang mga pang-aabuso ng mga awtoridad, kasama na ang pagtatanim ng ebidensiya para makulong maging ang mga inosenteng tao.

Binanggit nito ang ulat ng Public Attorney’s Office (PAO), simula noong Hunyo, 13,164 ang napawalang sala ng korte dahil sa ibat-ibang kadahilanan.

“That’s an average of 2,194 per month. Ibig sabihin po nito 2,194 na inosenteng tao ang inakusahan at nilitis kahit wala silang kasalanan. Masyado po malaki ang numero na ito,” ani Tulfo.

Dagdag pa niya; “Siguro panahon na po para tingnan kung kailangan na itaas ang quantum of evidence na kailangan para masampahan ng kasong criminal. Sa ngayon po ay simpleng probable cause lang kaya bigay hilig ang mga piskal na magsampa ng kaso kaliwa’t kanan.”

TAGS: Joel Villanueva, kulong, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo, Joel Villanueva, kulong, news, Radyo Inquirer, Raffy Tulfo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.