Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magkakaroon ng bagong momentum sa kalakalan at pagnenegosyo ang talakayan sa Association of Southeast Asian Nations-European Union Business Summit na ginaganap ngayon sa Brussels, Belgium.
Sa closing remarks ng Pangulo sa summit, pinasalamatan nito ang Asean-EU Business Council dahil sa suporta sa mga bansang kasapi ng Asean gaya halimbawa ang pagtulong sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kasagsagan ng pandemya sa COVID-19.
“There is a growing need for the public sector to collaborate with private institutions, especially now that Asean Member States are in a post-pandemic economic recovery and are facing new challenges brought about by recent geopolitical tensions, problems in the supply side, problems also with food prices,” pahayag ng Pangulo.
Pinasalamatan ng Pangulo ang Asean-EU Business Council dahil sa suporta.
“On the regional front, ASEAN has increased its presence in the global stage through its efforts on regional economic integration, supply chain resilience, and joint responses to climate change,” pahayag ng Pangulo.
“The entry into force of the Regional Comprehensive Economic Partnership or RCEP, the on-going review of existing trade agreements, and ASEAN’s initiatives to facilitate trade of essential goods demonstrates the region’s push to maintain an open, free, and fair trade,” dagdag ng Pangulo.
Umaasa ang Pangulo na isang bansa naman mula sa Asean ang magsisilbing host sa susunod na Asean-EU Business Summit.