Humihirit si House Speaker Martin Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang panukalang batas na Maharlika Investment Fund bill.
Ayon kay Romualdez, sa ngayon, two-thirds na sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang nagpahayag ng suporta sa panukalang batas.
Sinabi pa ni Romualdez na exciting kung magkakaroon ng sovereign wealth ang Pilipinas.
Una rito, sinabi ng Pangulo na inisyatibo niya ang Maharlika Investment Fund.
Paliwanag ng Pangulo, tiyak na kapaki-pakinabang sa mga Filipino ang Maharlika Fund.
Pero nais ng Pangulo na dapat na tiyakin ng mga mambabatas na magiging perpekto ang implementasyon ng Maharlika Fund para hindi mauwi sa korupsyon.
MOST READ
LATEST STORIES