Pangulong Marcos tinamaan ng sakit

By Chona Yu December 14, 2022 - 07:34 AM

 

Tinamaan ng sipon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang nasa ikalawang araw sa Brussels, Belgium.

Hindi na nakaharap ang Pangulo sa nakatakda sanang press briefing sa Malacanang Press Corps kaninang umaga, oras sa Manila.

Nasa -3 degrees ang temperatura ngayon sa Brussels.

Nasa Brussels ang Pangulo para dumalo sa Asean-European Union Summit.

Sa halip, si House Speaker Martin Romualdez na lamang ang humarap sa media.

Ayon kay Romualdez, bukod si sipon, napaos din ang Pangulo.

Una nang humingi ng paumanhin ang Pangulo sa paos na boses.

Paliwanag ng Pangulo, malaking pagbabago sa kanyang katawan ang temperatura na mula sa 35 degrees sa Pilipinas ay biglang naging -3 degrees sa Brussels na aniyay isang big jump sa matanda na niyang katawan.

 

TAGS: Brussels, Ferdinand Marcos Jr., Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, sipon, Brussels, Ferdinand Marcos Jr., Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, sipon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.