Publiko pinaalahanan ng DOH sa mga kinakain ngayon Kapaskuhan

By Jan Escosio December 13, 2022 - 07:16 PM

PDI PHOTO

Ngayon kabi-kabilaan na ang mga handaan kaugnay sa Kapaskuhan, nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga kinakain at sobrang pagpapakapagod.

“Lahat din naman tayo, dahil nasa kultura ng Pilipino, naghahain ng masasarap katulad ng lechon, katulad ng iba’t-ibang pagkain na minsan ay nakakaapekto sa ating kalusugan,” paalala ni DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire.

Dagdag paalala pa ng opisyal, ang sobra-sobrang pagkain ay maaring makasama sa kalusugan.

“During the time of Christmas, makikita natin yan — December, January, February — mas mataas yung incidents ng inaatake sa altapresyon, inaatake sa puso, naso-stroke because of these kinds of activities that we have during Christmas,” pagbabahagi nito.

Sinabi pa nito na makakabuti kung ang mga pagtitipon ay idadaos sa ‘open area’ para mababa ang posibilidad ng hawaan at kailangan lang din na tiyakin na wala sa mga nagdidiwang ay may mga sintomas ng ibat-ibang nakakahawang sakit.

 

TAGS: pagkain, party, Pasko, sakit, pagkain, party, Pasko, sakit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.