PDEA-NCR chief sinibak, mga kabaro ng naarestong district chief inalis
Dahil sa ‘command responsibility’ policy, tinanggal sa puwesto si Philippine Drug Enforcement Agency – National Capital Region (PDEA-NCR) Chief Christian Frivaldo.
Sinabi ni PDEA Dir. General Moro Lazo na itinalaga naman niya su Emerson Rosales bilang kapalit ni Frivaldo.
Nag-ugat ang pagsibak kay Frivaldo sa pagkakahuli sa buy-bust operation kay PDEA – Southern District Office chief Enrique Lucero at dalawa niyang ahente noong nakaraang linggo.
Samantala, idinagdag ni Lazaro na tinaggal din sa puwesto ang lahat ng mga ahente ni Lucero.
Kaugnay pa nito, nagpasaklolo na ang PDEA kay Interior Sec. Benhur Abalos para maibalik ang binawing suporta ng pamahalaag-lungsod ng Taguig sa ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.