Ex-Ilocos Norte mayor itinalaga bilang acting NIA chief

By Jan Escosio December 13, 2022 - 05:56 AM

May itinalaga si Pangulong Marcos Jr., na pansamantalang administrador ng National Irrigation Administration (NIA).

Kinumpirma ng Office of the Press Secretary ang pagtalaga kay Eduardo Guillen.

Si Guillen ay dating alkalde sa bayan ng Piddig sa Ilocos Norte at siya naitalaga din na miyembro ng NIA Board of Directors.

Pinalitan niya si Benny Antiporda na sinuspindi dahil sa mga diumano’y maling pamamalakad sa ahensiya.

Inireklamo si Antiporda sa Office of theOmbudsman.

Samantala, si Guiller naman ay isang lisensiyadong civil engineer.

TAGS: ilocos norte, Mayor, NIA, ilocos norte, Mayor, NIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.