No bail sa agricultural smugglers, hirit ni Sen. JV Ejercito

By Jan Escosio December 12, 2022 - 03:20 PM

SENATE PRIB PHOTO

Hindi dapat payagan na makapag-piyansa ang agricultural smugglers na mahaharap sa kasong economic sabotage, ayon kay Senator JV Ejercito.

Naniniwala si Ejercito na kapag ginawa ito ay maaring magdalawang-isip ang smugglers.

Ginawa ito ng senador kasunod ng pagbubunyag ng isnag grupo ng mga magsasaka na may 20 smugglers ang nagpupuslit na ngayon ng mga pula at puting sibuyas, gayundin ng ‘frozen meat.’

“Dapat nang buwagin at matauhan ang mga grupo na ito. Sampahan natin sila ng economic sabotage charges dahil walang bail ito. Nakakapinsala na sila sa kabuhayan ng ating mga kababayang magsasaka,”  diin ni Ejercito.

Dagdag pa nito, “As the principal author of the Anti-Agricultural Smuggling Law, nakalulungkot itong balita na marami pa ring agri-smuggler na nag-o-operate sa ating bansa. It’s been six to seven years since the law was passed, ngunit parang nabalewala lang ang batas.”

TAGS: economic sabotage, sibuyas, smugglers, economic sabotage, sibuyas, smugglers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.