Muling matatapyasan ang halaga ng mga produktong-petrolyo bukas, Disyembre 13.
Sa magkakahiwalay na abiso, tatapyasan ng mga kompaniya ng langis ng P1.70 ang presyo ng kada litro ng kanilang gasolina.
Samantalang, P3.40 ang ibaba ng bawat litro ng krudo o diesel at P4.40 naman ang mababawas sa presyo ng bawat litro ng kerosene.
Noong nakaraang linggo, bumaba ng P1.95 ang halaga ng gasolina, P1.90 sa diesel at P1.65 sa kerosene.
Ala-6 ng umaga bukas magtatupad ng ‘price rollback’ ang ilan sa mga kompaniya, samantalang ang Cleanfuel ay alas-8:01
Ang paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ang dahilan ng panibagong pagbabago sa halaga ng mga produktong-petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.