Bagyong Rosal, lumakas palabas ng Pilipinas

By Jan Escosio December 12, 2022 - 12:21 PM
Bumilis at lumakas ang bagyong Rosal sa paglabas nito ng bansa. Sa 11am update ng PAGASA,  huling namataan ang bagyo sa distansiyang 860 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kph malapit sa gitna at bugso na aabot sa 105 kph. Kumikilos ito sa bilis na 25 kilometro kada oras patungo sa direksyon ng  silangan-hilagang silangan. Inaasahan naman na hihina na ito ngayon hapon o mamayang gabi dahil sa amihan at tuluyan nang malulusaw bukas.

TAGS: amihan, Bagyo, Rosal, amihan, Bagyo, Rosal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.