“The DOJ has yet to discuss the ins and outs of the sanctions on Mr. Quiboloy. It is simply too premature for us to speak on the issue,” ang pahayag ng kagawaran.
Ayon pa sa DOJ, mangangalap pa sila ng mga karagdagang impormasyon sabay pagkonsulta sa US legal experts para sa kanilang gagawing hakbang.
Iniuugnay sa itinatag ni Quiboloy na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name sa human rights abuse at korapsyon.
The Department of Justice (DOJ) on Sunday said it has yet to discuss the sanctions imposed by the United States Department of the Treasury on televangelist Apollo Quiboloy, whose church has been linked to human rights abuse and corruption.
Isa si Quibiloy, na itinuturing ang sarili na ‘Appointed Son of God,’ sa 40 indibiduwal at grupo sa siyam na bansa na ‘pinarusahan’ ng Office of Foreign Assets Control ng US Department of Treasury.
Ipinag-utos ng naturang kagawaran ng gobyerno ng Amerika na i-‘freeze’ ang lahat ng ari-arian ni Quiboloy sa US.
Noong nakaraang taon, sinampahan si Quiboloy ng ‘sex trafficking’ ng US prosecutors dahil sa diumanoy pananakot sa mga menor de edad na makipagtalik sa kanya.