Magandang balita sa mga motorista.
Isang panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang nakaambang ipatupad sa susunod na lingo.
Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, nasa P3.20 hanggang P3.50 ang ibababa sa presyo ng diesel kada litro.
Nasa P2.60 hanggang P2.90 naman ang ibababa saa presyo ng gasolina kada litro.
Malakihang rollback naman ang inaasahan sa kerosene na aabot sa P4 hanggang P4.30 kada litro.
Ito na ang ikaapat na linggo na bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.