Bagyong Rosal, nananalasa sa Sorsogon; Signal Number 1 nakataas na sa ilang lugar

 

Ganap nang naging bagyo ang low pressure area sa Juban, Sorsogon

Ayon sa Pagasa, dahil sa Bagyong Rosal, nakataas na ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Catanduanes, silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Tigaon, Sagñay); at silangang bahagu ng Albay (City of Tabaco, Bacacay, Rapu-Rapu, Malilipot, Malinao, Tiwi).

Namataan ang sentro ng bagyo sa 110 kilometro ng north northeast ng Virac, Catanduanes o 315 kilometro ng silangan ng Infanta, Quezon.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Taglay ng bagyo ang hangin na 45 kilometro kada oras at may pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Bukas ng umaga, Disyembre 11 inaasahang tatahakin ng bagyo ang silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.

 

Read more...