Mga babaeng empleyado ng NHA, tinuruan ng self defense
Nagsagawa ng isang araw na face-to-face Tactical Self-Defense Training ang National Housing Authority para sa mga babaeng empleyado nito.
Ayon kay Maricris Maninit, Acting Division Manager ng Information Division – Corporate Planning Department ng NHA, isinagawa ang training sa Quezon City bilang pagsuporta sa selebrasyon ng 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Layunin ng training na turuan ang mga kababaihan na depensahan ang sarili kapag nalagay sa peligro ang buhay.
Mahigit 50 empleyado ng NHA Departments at Regional Offices participated ang natuto sa basic self-defense skills laban sa sudden violent attacks.
Nabatid na si Dindo De Jesus, Chief Instructor and Regional Director ng Asia Krav Maga Training Center Inc and International Krav Maga Federation Philippines (IKMF) ang nagturo sa mga empleyado.
Ang Krav Maga ay isang Israeli martial na nilikha ng Israel Defense Forces.
Pinaghalo ito ng Aikido, Judo, Karate, Boxing, at Wrestling.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.