Inanunsiyo ng Meralco ang karagdagang 33 sentimo kada kilowatt hour kayat aangat sa P10.2769/kwh mula sa P9.9472/kwh.
Kayat ang konsyumer na gumagamit ng 200 kwh kada buwan ay magbabayad ng karagdagang P66, P99 sa mga gumagamit ng 300 kwh at P132 sa 400 kwh
“This month’s overall rate increase was mainly due to the completion of a distribution-related refund equivalent to ₱0.4669 per kWh for residential customers,” ayon sa Meralco.
Nabatid na may refund pa na mangyayari, bago matapos ang taon, sa Enero at Mayo, 2023.
Tumaas din ang transmission rates dahil sa pagtaas ng service charges ng National Grid Corporation of the Philippines, ngunit natapyasan naman ang generation charges dahil sa karagdagang suplay bunga nang pagbabalik operasyon ng First Natgas-San Gabriel plant sa Batangas noong Oktubre 15.