Ngunit, aniya kailangan muna ng masusing pag-aaral para sa tamang regulasyon ukol dito.
Aniya maging si dating Pangulong Duterte ay bukas sa naturang panukala sa kabila ng labis nitong pagtutol sa mga ipinagbabawal na gamot.
“I am for its medical use so I am open to proposals on how we can regulate medical marijuana in such a way that there are enough safeguards. Pag-aralan po natin ng mabuti,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Health.
Pagdidiin niya na ang isrtriktong ‘for medical purposes only’ ang isinusulong na legal na paggamit ng marijuana.
Ang panukala ukol sa paggamit sa marijuana bilang gamot ay inihain ni Sen. Robinhood Padilla.