Sen. Bong Go: Pag-aralan mabuti ang paggamit sa marijuana bilang gamot

By Jan Escosio December 09, 2022 - 02:55 PM

Sinabi ni Senator Christopher Go na bukas siya sa panukala na magamit ang marijuana bilang gamot sa bansa.

Ngunit, aniya kailangan muna ng masusing pag-aaral para sa tamang regulasyon ukol dito.

Aniya maging si dating Pangulong Duterte ay bukas sa naturang panukala sa kabila ng labis nitong pagtutol sa mga ipinagbabawal na gamot.

“I am for its medical use so I am open to proposals on how we can regulate medical marijuana in such a way that there are enough safeguards. Pag-aralan po natin ng mabuti,” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Health.

Pagdidiin niya na ang isrtriktong ‘for medical purposes only’ ang isinusulong na legal na paggamit ng marijuana.

Ang panukala ukol sa paggamit sa marijuana bilang gamot ay inihain ni Sen. Robinhood Padilla.

TAGS: bill, drug, Marijuana, Senate, bill, drug, Marijuana, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.