7AM Update: Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at Rizal
Umiiral pa rin ang thunderstorm sa Metro Manila.
Sa 7:00AM update ng PAGASA, apektado ng thunderstorm ang Metro Manila at ang mga bayan ng Angono, Cainta at Taytay.
Ayon sa PAGASA, tatagal ng dalawang oras ang pag-ulan sa nabanggit na mga lugar na may kasamaang pagkulog at pagkidlat.
Samantala, sa susunod na dalawang oras, inaasahang maaapektuhan din ng thunderstorm ang mga lalawigan ng Bataan, Cavite, Zambales at ang iba pang mga bayan sa Rizal.
Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na malakas na hangin, pagkulog at pagkidlat.
Mamayang alas 9:00 ng umaga ay muling maglalabas ng abiso ang weather bureau.
Ang maagang pag-ulan ngayong araw ay nagdulot na ng pagbaha sa ilang lansangan sa Maynila partikular sa bahagi ng Taft Avenue malapit sa kanto ng UN Avenue at sa Angel Linao Street kanto ng San Marcelino Street.
Nagdulot ng pagbaha sa Taft malapit sa kanto ng UN Ave ang malakas na pag-ulan ngayong umaga | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/W5RopFbp67
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 8, 2016
Binaha din ang bahagi ng Angel Linao cor San Marcelino St. | @erwinaguilonINQ pic.twitter.com/inizfGqxrl
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 8, 2016
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.