Bunga nito, naibalik na nila ang 92 percent ng kanilang pre-pandemic system wide capacity.
Sa ngayon, may 355 flights kada araw na ang kanilang nagagawa sa 34 domestic at 19 international routes at ito ay may katumbas na 64,000 seats.
Naibalik na sa higit 100% ang kanilang pre-pandemic domestic capacity, higit pa sa kanilang December 2019 level.
Nakapagtala na sila ng 13.2 milyong pasahero mula Enero hanggang Nobyembre ngayon taon na mas mataas ng 493 porsiyento sa kanilang naitala noong nakaraang taon.
“Our system-wide capacity is now approaching pre-pandemic levels. We’ve basically grown, in fact, much more than what we were doing pre-COVID in the domestic level. We are seeing green shoots of recovery. It is very encouraging to see more people confidently flying again, not just within the Philippines but even abroad,” sabi ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.
Ngayon Disyembre, nagdagdag pa sila ng biyahe sa Brunei, Jakarta, Seoul, Taipei at Hong Kong.