DA: Kadiwa, pagbebentahan ng lokal na pulang sibuyas
By Jan Escosio December 09, 2022 - 01:31 PM
Naghahanap na ng mga solusyon ang Department of Agriculture (DA) ukol sa napakataas na presyo ng pulang sibuyas.
Sinabi ni DA spokesperson, Kristine Evangelista, binabalak ng gobyerno na direktang bilihin ng gobyerno ang mga sibuyas ng mga lokal na magsasaka.
Aniya ang mga lokal na pulang sibuyas ay aanihin simula ngayon buwan.
Ayon pa kay Evangelista, ang mga bibilhing pulang sibiyas ay direktang ipagbibili sa mga konsyumer sa pamamagitan ng Kadiwa stores.
Una na nang inihayag ng DA na aalamin sa Bureau of Plant Industry (BPI) kung may kakulangan ng pulang sibuyas sa bansa at kung ano ang dahilan.
Sa mga ulat, may mga nagbebenta sa pinakamataas na P400 ng kada kilo ng pulang sibuyas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.