Kumpleto na ang bucket list ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos masungkit ang gintong medalya sa women’s 55-kilogram division World Wieghtlifting Championship na ginanap sa Bogota, Colombia.
Tinalo ni Diaz si Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico matapos mabuhat ang kabuuang 207 kilogram dahilan para makuha ang tatlong gold medals sa snatch, clean and jerk at total.
Binuhat ni Diaz ang 93 kilogram sa snatch para makuha ang unang gintong medalya sa world championships.
Sumunod naman na binuhat ni Diaz ang 114 kilogram para manguna sa clean and jerk.
Nakuha naman ni Morales ang silver medal.
Nabatid na ang Bogota world competition ay bahagi ng qualifying round ni Diaz para sa Paris 2024. Kung saka-sakali, ito na ang ikaanim na lalahok si Diaz sa Olympic.
Hawak na ngayon ni Diaz ang record na World Champion, Olympic Champion, Asian Champion, Asian Games at Southeast Asian Games Gold medalist.