Pagkarga ng Grab ng surge fee sa pasahe sa TNVS, illegal- Medina

By Chona Yu December 08, 2022 - 02:36 PM
Pumalag ang National Center for Commuter Safety and Protection sa illegal na pag-karga ng Grab ng surge fee sa pasahe sa mga pasahero ng Transport Network Vehicles Service. Ayon kay Elvira Medina, founding chairperson ng grupo, ilegal ang hakbang ng Grab kaugnay ng naging pagtaas ng bayarin ng mga pasahero ng mga TNVS  dahil sa pagkarga sa kanilang pasahe ng Surge Fee. Ayon kay Medina, illegal na matatawag ang ginawa ng Grab dahil wala pang permit na binigay ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) o sinumang authority na pumapayag na magkarga ng surge fee sa pasahe sa TNVS. Ang P2 Surge fee ay sisingilin kung rush hour lamang. “Eh ang nangyayari ngayon diyan kahit hindi naman rush hour, naikarga na sa pasahero ang surge fee, illegal yan. Wala pa namang measure na nagsasabi na idagdag ninyo yan. There should be an authority para gawin nila yan. Wala pang signal..dapat may signal muna sa authority bago ipatupad yan,” sabi ni Medina. Kaugnay nito , nanawagan si Medina sa LTFRB na agarang aksyunan ang usaping ito at pagpaliwanagin ang Grab kung bakit naikakarga ang surge fee sa pasahe ng mga TNVS commuters ng walang pahintulot ang ahensiya hinggil dito. Marapat lamang aniya na bigyan ng parusa ang sinumang nagbibigay ng malaking problemeng pasanin ng mga mananakay sa kabila na wala pa namang kaukulag measure na naipalalabas ang LTFRB sa bagay na ito. Una nang hiniling ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Grab na ipaliwanag sa publiko kung paano ikinakarga ang surge fee sa pasahe ng mga TNVS passengers nang wala pang signal na naibibigay ang LTFRB para dito

TAGS: Grab, news, Radyo Inquirer, TNVS, Grab, news, Radyo Inquirer, TNVS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.