Mga negosyanteng taga-Davao, pangunahing contributor sa Duterte campaign

By Jay Dones June 09, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Mga mayayamang negosyanteng taga-Davao ang karamihan sa mga nagbigay ng kontribyusyon sa kampanya ni incoming Presdient Rodrigo Duterte na naging susi upang magtagumpay ito sa May 2016 presidential race.

Batay sa Statement of Contributioins and Expenses (SOCE) ni Duterte na isinumite sa Commisison on Elections, gumastos ito ng P371 milyong piso sa kanyng kampanya.

Isinasaad pa sa SOCE ni Duterte na pinakamalaking contributor si dating Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., na anak ng dating banana magnate na si Antonio Floirendo Sr.

Nagmula kay Floirendo ang 20 porsiyento ng kabuuang campaign contribution o katumbas ng P75 milyong piso.

Bukod kay Floirendo, nagbigay din sa kampanya ng alkalde ng Davao City sina Dennis Uy ng Davao-based Phoenix Petroleum; Samuel Uy ng Davao farms at Davao Import Distributors Inc; Lorenzo Te ng Honda Cars Davao; Tomas Alcantara, chair and president ng Alsons Group at kapatid nitong si Nicasio Alcantara at Felix Ang, na presidente ng CATS Motors Inc.

Sa naturang ulat, sinasabing may mahigit tatlong milyon pang natitira sa campaign contribution na tinanggap ni Duterte.

Matatandaang sinabi noon ni Duterte na ang sobrang campaign contribution ay kanyang ibibigay bilang reward money sa sinumang makakahuli o makakapatay sa mga notorious drug lords na nag-ooperate sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.