PCG personnel bawal magbakasyon sa Pasko

By Chona Yu December 07, 2022 - 12:58 PM

 

Magpapatupad ng “no leave policy” ang Philippine Coast Guard para sa mga tauhan nito simula sa Disyembre 15.

Ayon kay PCG commandant Admiral Artemio Abu, ito ay para masiguro na maging maayos, ligtas at komportable ang biyahe ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong panahon ng Pasko.

Sa ngayon, naka-heightened alert status ang PCG personnel sa lahat ng Coast Guard District Station at sub-station sa buong bansa.

Tatagal ang “no leave policy” hanggang sa Enero 7, 2023.

Ibig sabihin, naka-deploy ang 25,000 na PCG personnel sa mga matataong pantalan, passenger terminal at iba pang transportation hub.

“Alam niyo naman ang Coast guard, kung saan kailangan ang ating serbisyo, nandoon tayo. Ang sakripisyong ito ay pagtupad sa aming sinumpaang tungkulin sa bayan-na unahin ang nangangailangan ng kapwa Filipino kaysa sa sariling interes,” pahayag ni Abu.

 

TAGS: Artemio Abu, Bakasyon, coast guard, news, Radyo Inquirer, Artemio Abu, Bakasyon, coast guard, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.