Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, nabawasan

 

Bumaba ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.24 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong buwan ng Oktubre 2022 kumpara saa 2.50 milyong Filipino na walang trabaho na naitala noong Setyembre 2022.

Ayon sa PSA, base ito sa isinagawang Labor Force Survey na isinagawa noong Oktubre.

Nangangahulugan ito na nasa 4.5 porsyento na lamang ng populasyon ng Pilipinas ang walang trabaho noong Oktubre kumpara sa 5 porsyento na naitala noong Setyembre.

Nabatid na ito na ang pinakamababang unemployment rate na naitala simula ang pre-pandemic noong Oktubre 2019.

Ayon sa PSA ang services sector ang nanguna bilang top employer na may 59.2%  porsyentong share sa labor market.

Sumunod ang sektor ng agriculture at industry sectors na may 22.5 porsyento at 18.3 porsyento.

Read more...