Energy Sec. Lotilla, DOST Sec. Solidum lusot na sa CA

December 07, 2022 - 12:43 PM
Lumusot na sa committee level ng Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment nina Energy Secretary Raphael Lotilla at Science and Technology Secretary Renato Solidum. Magugunita na dalawang beses na nasuspindi ang deliberasyon sa ad interim appointment ni Lotilla dahil sa  mahabang listahan ng magtatanong na mambabatas at kakulangan ng oras at sa ikatlong pagkakataon ay naaprubahan na rin ito. Nangako si Lotilla na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay sisikapin ng ahensya na mabawasan ang singil sa kuryente. Nagbigay rin ng commitment ang kalihim sa pagsasaayos ng structural reforms sa mga tanggapan na nasa ilalim ng DOE at ang pagiging independent nito sa mga pagpapasya kahit noon ay naging bahagi at opisyal siya ng Aboitiz na isang electric service company. Binigyang garantiya rin ni Lotilla ang targets ng DOE na maibaba ang dependence ng bansa sa coal energy upang mabawasan ang nararanasang global warming. Samantala, aprubado rin agad ng komite ng CA ang ad interim appointment ni Solidum. Ilan sa mga naitanong kay Solidum ang mga hakbang ng DOST sa research and development, food security, pagpapalakas ng agrikultura, at mga pamamaraan para mahikayat ang mga estudyante na sumabak sa science and technology. Sunod namang isasalang sa pagapruba ng committee level ng CA and ad interim appointment ni DOTR Sec. Jaime Bautista at 32 senior officials ng DFA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.