PDEA district chief, 2 agents pati driver huli sa buy-bust sa opisina

By Jan Escosio December 07, 2022 - 12:15 PM

SPD PIO PHOTO

Hindi na nakapalag ang isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at dalawa  sa kanyang ahente nang arestuhin sila sa buy-bust operation sa loob mismo ng kanilang opisina sa Taguig City.

Bukod kina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, Agents Anthony Alabastro at Jaireh Llaguno, inaresto din ang driver na si Mark Wallo.

Nakuha sa kanila ang higit P7 milyong halaga ng shabu na magkahiwalay na nakalagay sa plastic sachets, isang .40 caliber pistol at ang ginamit na boodle money.

Isang pulis ang nagpanggap na poseur-buyer at nangyari ang transaksyon sa opisina ng mga inaresto sa Barangay Upper Bicutan alas-9 kagabi.

Wala pang opisyal na pahayag ang PDEA ukol sa pagkakahuli sa kanilang opisyal at dalawang ahente.

Inihahanda na ang mga isasampang kaso laban sa mga naarestong suspek.

 

 

TAGS: buy bust, PDEA, shabu, SPD, buy bust, PDEA, shabu, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.