Hinabol na maipasa ang 2023 national budget ngayon buwan sa kagustuhan na magkaroon ng bagong budget sa pagpasok ng bagong taon.
Sinabi ito ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance, sa katuwiran na ayaw nilang makompromiso ang budget dahil sumisigla pa lamang ang ekonomiya ng bansa at maraming bagong trabaho ang kailangan na mabuksan.
“We don’t want public interest to be prejudiced with a delayed budget because the economy is trying to recover and we are trying to produce jobs for our countrymen,” sabi pa ni Angara sa panayam sa telebisyon.
Unang sinabi ng senador na dinagdagan pa ang pondo para sa edukasyon at kalusugan.
Gayundin sa mga social services, kasama na ang pagbibigay ng ayuda at subsidiya.
MOST READ
LATEST STORIES