Negros Island Region nais ni Sen. JV Ejercito na muling mabuo
By Jan Escosio December 06, 2022 - 01:12 PM
Lumusot na sa Senate Committee on Local Government ang mga panukala na layon mabuo muli ang Negros Island Region (NIR), na bubuuin ng Negros Occidental at Negros Oriental.
“Malinaw po ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa Negros Occidental at Negros Oriental na gawing isang rehiyon ang Negros Island upang mas mapabilis at mailapit ang mga serbisyo ng national government sa kanila. Naniniwala rin po tayo na ito rin ay magiging daan upang mas maging masigla ang nasabing rehiyon,” ani Sen. JV Ejercito, ang namumuno sa naturang komite. Katuwiran ni Ejercito nararapat ang mga panukala para mas mapagbuti ang pagbibigay serbisyo sa mga mamamayan ng dalawang lalawigan. Bukod kay Ejercito may mga katulad na panukala din sina Senate President Juan Miguel Zubiri at sina Sens. Sherwin Gatchalian, Bong Revilla at Lito Lapid. Ayon kay Zubiri matindi ang panawagan ng mga mamamayan ng dalawang lalawigan sa pagbuo ng NIR dahil bumibiyahe pa sila sa Cebu o Iloilo para sa kanilang mga transaksyon sa mga ahensiya ng gobyerno.

“It’s the ease of doing business for government transactions. Kung cost lang, nagawa na. May buildings na po. I don’t think it’s going to cost us more to revive the NIR, because it has been done for several years,” ani Zubiri.
Magugunita na nabuo na ang NIR noong administrasyong-Noynoy Aquino noong 2015 ngunit makalipas ang dalawang taon ay binawi ito ni dating Pangulong Duterte.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.