Presyo ng mga pangunahing bilihin inaasahan tataas sa 2023

Posibleng salubungin ang pagpasok ng bagong taon ng pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).   Ang pagtaas ng halaga ay maaring sa unang linggo o sa pagtatapos ng Enero, ayon kay Trade Usec. Ruth Castelo, sa isang panayam sa telebisyon.   Aniya may 50 produkto ang tataas ang presyo ng hanggang 10 porsiyento.   Kasama sa magma-mahal ang presyo ang mga sardinas, gatas, kape, tinapay, instant noodles, asin, toyo, suka, sabon, at de-lata.   Dagdag pa ng opisyal, ang mga nabanggit na produkto ay hindi napabilang sa suggested retail price bulletin na kanilang inilabas noong Agosto.   Paliwanag ni Castelo, hanggang 50 produkto lamang ang kanilang pinapayagan na sabay-sabay na magtaas ng presyo para protektahan na rin ang mga konsyumer.   Aniya sa ganitong paraan, hindi din magagawa ng mga manufacturers na magbawas ng produksyon o manggagawa.   Sa ngayon, ayon pa sa opisyal, may higit 210 produkto ang hindi na makakapagtaas ng presyo hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Read more...