Kontribusyon ng GSIS sa Maharlika Fund hindi huhugutin sa pension fund

By Jan Escosio December 06, 2022 - 01:00 PM

Nilinaw ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Jose Arnulfo Veloso na sakaling maaprubahan sa Kongreso ang pagbuo ng Maharlika Wealth Fund (MWF), may pondo sila para sa mga pamumuhunan.

Aniya hindi nila huhugutin sa pondo ng mga pensioner ang iaambag nila sa MWF.

“Hindi po pensiyon. Ang binubuo po namin dito ay investible funds that are supposed to earn money for us to fulfill our obligation to our stakeholders,” ani Veloso sa isang panayam sa telebisyon.

Paliwanag nito, ang kontribusyon ng miyembro ay 9% at 12% naman sa ahensiya base sa buwanang sahod ng miyembro.

Dagdag pa ni Veloso kapag nagretiro ang miyembro, 90% ng kabuuang kontribusyon ang matatanggap ng kawani.

Kayat aniya talagang ipinupuhunan nila ang kontribusyon ng mga miyembro.

“Saan po namin kukunin yung balanse na 69%? Kung hindi mag-invest at kumita ang pera… Kaya dun sa mga nangangamba, iniisip na gagamitin yung pera ng ating retirees, ay hindi po. Ito’y ating ini-invest talaga,” sabi pa ni Veloso.

Dagdag paliwanag pa nito, ang ‘investible funds’ ay ang naiiwan matapos mabayaran na nila ang lahat ng pensyon at obligasyon sa kanilang mga miyembro.

 

TAGS: GSIS, Investment, Pension, GSIS, Investment, Pension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.