P1M piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Vhong Navarro
Pinagbigyan ng isang korte sa Taguig City ang hirit ni actor/host Vhong Navarro na makapag-piyansa sa kinahaharap na kasong rape.
Itinakda ni Judge Loralie Datahan, ng RTC Branch 69, ang P1 milyong piyansa para sa pansamantalahang kalayaan ni Navarro.
Ang desisyon ay may petsa kahapon, Disyembre 5.
Base sa desisyon, sinabi ng hukom na wala siyang nakikita pang mabigat na ebidensiya na magsasabing ginawa talaga ni Navarro ang alegasyon sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.
Ngunit nilinaw din ni Datahan na bagamat napagbigyan ang hirit ni Navarro hindi nito mapipigilan na busisiin ng husto ang mga ebidensiya at testimoniya sa mga magaganap na paglilitis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.