Suspended BuCor chief Bantag inihirit na mailipat sa Ombudsman ang Percy Lapid slay case probe
By Jan Ecosio December 06, 2022 - 12:26 PM
Hindi nagsumite ng kanyang counter-affidavit si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag nang humarap ito sa preliminary investigation ng kanyang kaso sa Department of Justice (DOJ).
Sa halip ay naghain ng mosyon na maialis sa DOJ at mailipat sa Office of the Ombudsman ang pag-iimbestiga sa sa pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa aka Percy Lapid.
Nakaharap ni Bantag sa preliminary investigation si Roy Mabasa, ang kapatid ng pinatay na mamamahayag, gayundin si Joel Escorial, ang sumuko at umamin na pumatay kay Mabasa.
Ayon sa abogado ni Bantag na si Rocky Balisong inahain nila ang mosyon dahil sa mga naging pahayag ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nag-aakusa sa una ng mga krimen.
Katuwiran pa ni Bantag sa kanyang mosyon, dahil siya ay kawani ng gobyerno kayat nais niya ang Office of the Ombudsman ang mag-imbestiga.
Nakapagbigay ng pahayag naman na si Remulla sa mosyon ni Bantag at sinabi na imposible ang nais ng huli.
Binigyan din ang iba pang partido sa mga kaso na magsumite ng kanilang komento sa naturang mosyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.