Nagpatuloy ang pagtaas ng inflation sa bansa at noong Nobyembre ito ay 8.0 percent mula 7.7 percent noong Oktuber.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon o noong Nobyembre 2008. Bunga nito ang average inflation rate sa nakalipas na 11 buwan o simula noong Enero ay 5.6 percent. Noong Nobyembre 2021, ang inflation at 3.7 porsiyento. Pinasipa ang November inflation ng mataas na presyo ng mga pagkain, gayundin ng non-alcoholic beverages na 10 percent mula sa 9.4 percent noong Oktubre. Naka-ambag din ang pagtaas ng halaga ng mga serbisyo sa restaurants at accomodation facilities.MOST READ
LATEST STORIES