Pag-uwi ni Joma Sison, lumalabo

By Jay Dones June 09, 2016 - 04:24 AM

 

Inquirer file photo

Lumalabo na ang pag-asang makauwi ng Pilipinas si Communist Party of the Philippines founder Jose Maria Sison o Joma Sison.

Ito’y matapos igiit ng Amerika na nasa ilalim pa rin ng terror list ang armed wing ng CPP na New People’s Army (NPA).

Ayon kay Fidel Agcaoli, tagapagsalita ng National Democratic Front of the Philippines,(NDFP) isang problema ang deklarasyong ito ng Amerika kay Sison dahil sa posibilidad na arestuhin ang CPP founding chair sakaling umalis ito ng Netherlands.

Dahil wala aniyang direct flight mula Holland tungong Maynila, posibleng ipatupad ang pag-aresto sa alinmang transit point na lalapagan ng eroplano ni Sison, sakaling ituloy nito ang pag-uwi.

Kung maaresto si Sison aniya, maaring maging matindi ang epekto nito sa isusulong na peace talks sa pagitan ng NDFP at pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon kay Agcaoili, bago makauwi, kailangan munang mabigyan ng garantiya si Sison mula sa Dutch, Norwegian at maging sa US government na igagalang ang hangarin ng Pilipinas na isulong ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagpayag na makauwi ng bansa si Sison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.