P219B dagdag sa ‘unprogrammed funds’ sa 2023 national budget kinuwestiyon ni Pimentel
Ikinabigla ni Senate Minority Leader Koko Pimentel ang nadagdag na ₱219-billion para sa ‘unprogrammed appropriations (UA)’ sa bersyon ng bicameral conference committee sa 2023 General Appropiations Bill.
Agad hinanap ni Pimentel ang detalye ng karagdagang ‘unprogrammed funds’ sa katuwiran na huhugutin din ito sa nakolektang buwis at ipang-uutang.
“Kahit programmed yung appropriations, inuutang din natin. Ang unprogrammed, uutangin din natin,” diin ng senador.
Depensa naman ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Finance Committee at ang naglatag sa plenaryo ng inaprubahang bersyon ng bicameral conference committee, na hindi bahagi ng pambansang pondo ang ‘unprogrammed appropriations’ at maari itong hugutin sa mga kita ng gobyerno at hindi sa utang.
Buwelta naman ni Pimentel, sinabi na ng Bureau of Treasury na hindi inaasahan ang pagpopondo sa ibang mga programa o proyekto ng mga kargdagang kita. Nabanggit pa ni Pimentel na ang bersyon ng bicameral conference committee sa panukalang pambansang pondo ay iba sa bersyon ng Senado, gayundin sa Kamara.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.