1,000 wheelchairs ipinamahagi ng Alagang AKAY sa Laguna, Quezon

By Jan Escosio December 05, 2022 - 03:15 PM

CONTRIBUTED PHOTO

Naghatid kasiyahan ang Alagang AKAY, katuwang ang Siol Aragones Foundation, sa mga tao na may kapansanan sa Laguna at Quezon Province kasabay ng paggunita ng International Day of Persons with Disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng pamamahagi ng 1,000 wheelchairs.

Noong Disyembre 4 nang mamahagi ng wheelchairs sa Sta. Rosa Sports Complex sa Sta. Rosa City sa Laguna at makalipas ang dalawang araw ay sa Quezon Convention Center sa Lucena City sa Quezon Province.

“Napakahalaga ng araw na ito para sa mga PWD at kanilang mga pamilya na bahagi ng Alagang AKAY community.  Nais naman ng Alagang AKAY Foundation na tuparin ang pangarap  ng mga PWD na magkaroon ng wheelchair  at saklay sa abot ng aming makakaya,” ani dating Laguna Rep. Sol Aragones.

Dagdag pa nito; “Gusto din namin silang bigyan ng inspirasyon na piliin na maging masaya kaysa malungkot. May pag-asang naghihintay sa PWD, aakayin namin sila.”

Nakibahagi din sa paghahatid-saya sina Alagang AKAY Amb. Dwight Bayona, isang leg amputee at multi-sport athlete at ‘Chef with no Hands’  Maricel Apatan.

 

 

TAGS: foundation, laguna, pwd, Quezon, foundation, laguna, pwd, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.