Mga sindikato sa text scams, pinalalansag sa NBI

By Chona Yu December 05, 2022 - 02:08 PM
Humihirit ang Action for Consumerism and Transparency in Nation Building sa National Bureau of Investigation na simulan na ang paglansag at pag-aresto sa mga kriminal na nasa likod ng text scams sa bansa. Apela ito ng grupo sa napipintong implementasyon ng SIM Card Registration Act na una nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Jake Silo, Secretary General ng Action for Consumerism and Transparency in Nation Building,  perfect storm para sa  foreign at local syndicates ang pagpapatupad ng bagong batas para maisagawa ang  perfect heist. Magandang oportunidad kasi ito para sa mga kriminal na makapagsagawa ng massive fraud o malawakang pangloloko sa  2023 kapag naipatupad ang SIM Card Registration Act. Hindi maikakaila ayon kay Silo na ngayon pa lamang ay bumubwelo na ang mga kriminal sa pagpapakalat ng sunod-sunod na text scams. Sa ganitong paraan aniya, matutunton ang  OTPs hanggang sa matumbok ang mga bank accounts ng mga biktima. Kaya hiling ng grupo sa NBI, umaksyon na agad ngayon pa lamang. Dapat aniyang arestuhin ng NBI  ngayon pa lamang ang mga kriminal lalot palapit na ang panahon ng kapaskuhan. Sa ganitong paraan din aniya, magbibigay ng mensahe ang NBI sa publiko na seryoso ang pamahalaan sa pagtugis sa mga online financial scammers. Umaasa ang grupo na aaksyunan agad ng NBI ang kanilang hinaing para hindi na makapangbiktima ng iba.

TAGS: news, Radyo Inquirer, SIM card, news, Radyo Inquirer, SIM card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.