140 na bangkay sa Bilibid, nailibing na

By Chona Yu December 03, 2022 - 02:44 PM

 

Nasa 140 na bangkay ng mga bilanggo ang nailibing na ng Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, nasa 36 na bangkay na lamang ang nananatili pa sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City.

Nasa 39 na bangkay naman ang isasailalim pa sa awtorisya ng National Bureau of Innvestigation.

Ayon sa BuCor, 137 sa mga bilanggo ang namatay dahil sa natural causes.

Nasa walong bangkay naman sumailalim sa awtopsiya ni Doctor Racquel Fortun.

Matatandaan isa sa mga nasawi sa New Bilibid Prison si jun Villamor na sinasabing middleman sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

 

TAGS: bangkay, Bilibid, bucor, libing, news, Radyo Inquirer, bangkay, Bilibid, bucor, libing, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.