BSP nagbabala sa mga nangingikil

By Chona Yu December 03, 2022 - 02:29 PM

 

Pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko sa ilang indibidwal na ginagamit ang kanilang pangalan para makapanghingi ng pera.

Ayon sa BSP, may mga sindikato at ilang indibidwal ang nagpapadala ng mensahe sa mga biktima at nagpapakilalang mga tauhan.

Gumagamit din anila ang mga ito ng email address na kapareho ng ginagamit ng mga taga-BSP para magmukhang lehitimo ang kanilang transaksyon.

Pinaalalahanan naman ng BSP ang publiko na maging alerto at huwag basta-basta magpapadala ng pera.

Nilinaw ng BSP na hindi sila nagso-solicit ng pera  o nanghihingi ng impormasyon o ng mga dokumento ng  financial transactions ng sino man pribadong  indibidwal.

 

TAGS: Bangko Sentral, Extortion, news, Radyo Inquirer, Bangko Sentral, Extortion, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.