Nasa 30 porsyento ng mga Filipino ang nagsabi na gumanda ang kwalidad ng kanilang pamumuhay ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Base ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.
Ayon sa SWS, 29 porsyento naman ang nagsabi na sumama naman ang lagay ng kanilang buhay.
Nasa 41 porsyento naman ang nagsabi na walang pagbabago ang kanilang buhay.
Isinagawa ang survey noong Setyembre 29 hanggang Nobyembre 2.
Tinanong ang 1,500 respondents “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon?”
Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.