Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng media para sa nation building.
Sa courtesy call ng mga opisyal ng Radio Mindanao Network kay Pangulong Marcos, sinabi nito na malaking tulong ang suporta ng media para sa mga programa ng gobyerno.
Sinabi pa ng na makakamit niya ang mga ambisyon sa bansa kung nagkakaisa ang bawat Filipino.
Magagawa ito ayon sa Pangulo sa tulong ng media sa pamamagitan ng pagdadala ng mensahe sa publiko.
“So the pledge of support and to bring our message to the people is an important one. It is something that those of us who are in government consider to be an integral part of whether or not we are successful or not,” pahayag ng Pangulo.
“And by that, I mean that we need to know that everyone understands what we are trying to do, everyone understands what they can do to help, everyone understands why and the method of what we are trying to achieve. And that is the most important thing for us,” dagdag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.