Pope Francis bibisita sa Congo at South Sudan

By Chona Yu December 03, 2022 - 09:48 AM

 

Bibisita si Pope Francis sa Democratic Republic of Congo at South Sudan sa susunod na taon.

Ayon sa Vatican, una nang plinano ng Santo Papa na magtungo sa dalawang bansa subalit hindi natuloy dahil problema sa tuhod.

Bibisitahin ng 85-anyos na Santo Papa sa Kinshasa sa Congo sa Enero 31 hanggang Pebrero 3 bago magtungo sa Juba sa South Sudan sa Pebrero 3 hanggang 5.

Makakasama ng Santo Papa sa Juba sina Archbishop of Canterbury, Justin Welby, at Moderator ng General Assembly of the Church of Scotland na si Iain Greenshields.

Ito na ang ikalimang beses na bibisita ang Santo Papa sa African continent mula nang mahalal na pinuno ng simbahang katolika noong 2013.

 

TAGS: Congo, news, pope francis, Radyo Inquirer, Santo Papa, Sudan, Vatican, Congo, news, pope francis, Radyo Inquirer, Santo Papa, Sudan, Vatican

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.