Sa impormasyon mula kay Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng Central Mindanao Regional Police Office, kinilala ang suspek na si Conrado Daffon Medino na subject ng isa sa mga search warrants na ipinalabas ng korte.
Gayunman, nang isisilbi na ng mga otoridad ang search warrants kay Medino at sa iba pa nitong mga kasamahan, nanlaban umano ito at nagpaputok ng baril dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis at napuruhan ang suspek
Narecover sa bahay ni Medino ang isang kalibre 45 ng baril mga bala at walong heat sealed plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng tatlong milyong piso, assorted drug paraphernalia, walong motorsiklo, isang plastic bag na naglalaman ng mahigit 3 daang libong piso, timbangan, laptop, cctv cameras, cellphones, at handheld radio.
Matatandaang una nang pinaigting ng mga otoridad ang operasyon kontra sa mga tulak ng ipinagbabawal na gamot kahit hindi pa umuupo sa pwesto si incoming Presdent Rodrigo Duterte.