Roderick Paulate kulong sa kasong graft at falsification

By Chona Yu December 02, 2022 - 03:40 PM

 

Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan ang aktor na si Roderick paulate.

Ito ay dahil sa kasong graft at falsification charges.

Sampung taon na pagkakulong ang ipinataw na minimum jail time kay Paulate nang kumuha ng mga fictitious job contractors noong 2010 noong siya ay konsehal sa Quezon City.

Base sa 130-pahiyang desisyon, napatunayang gulty si Paulate sa naturang mga asunto.

Napatunayan kasi ng government prosecutors na ang mga kinuhang empleyado ni Paulate ay hindi totoong tao, walang records of birth, walang National Bureau of Investigation clearance, hindi matagpuan sa mga address ang mga empleyado, at walang record ng eskwelahan kung saan nag-aral.

Malinaw ayon sa Sandiganbayan na mayroong iregularidad sa mga ginawa ni Paulate.

kapwa akusado ni Paulate sa kaso si Vicente Bajamunde na dating driver at liason officer.

Diskwalipikado na rin si Paulate na humawak ng ano mang posisyon sa gobyerno.

Pinagbabayad din sina Paulate at Bajamunde ng P1.109 milyong danyos na may interes na 6 na porsyento kada taon.

 

TAGS: falsification, graft, guilty, news, Radyo Inquirer, Roderick Paulate, sandiganbayan, falsification, graft, guilty, news, Radyo Inquirer, Roderick Paulate, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.