BuCor naglibing pa ng 70 bilanggo
By: Jan Escosio
- 2 years ago
Karagdagang 70 bilanggo na namatay sa pambansang piitan ang binigyan ng disenteng libing ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ang mga inilibing ay ang mga hindi na nakuha pa ng kanilang mga kaanak.
Kabilang sa inilibing ngayon araw sa sementeryo sa loob ng Bilibid Compound sa Muntinlupa City ay isang Japanese citizen at ang isa naman ay may isang taon ng namatay.
Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang pagbibigay ng disenteng libing sa mga namatay na bilanggo na matagal ng nakalagak sa isang punerarya sa Muntinlupa City.
Samantala sa 176 na bangkay, 140 sa mga ito ang nailibing na, 36 ang nasa punerarya pa walo sa mga ito ang sasailalim sa forensic examination ni Dr. Raquel Fortun.