BuCor naglibing pa ng 70 bilanggo

By Jan Escosio December 02, 2022 - 01:21 PM
Karagdagang 70 bilanggo na namatay sa pambansang piitan ang binigyan ng disenteng libing ng Bureau of Corrections (BuCor). Ang mga inilibing ay ang mga hindi na nakuha pa ng kanilang mga kaanak. Kabilang sa inilibing ngayon araw sa sementeryo sa loob ng Bilibid Compound sa Muntinlupa City ay isang Japanese citizen at ang isa naman ay may isang taon ng namatay. Magugunita na ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang pagbibigay ng disenteng libing sa mga namatay na bilanggo na matagal ng nakalagak sa isang punerarya sa Muntinlupa City. Samantala sa 176 na bangkay, 140 sa mga ito ang nailibing na, 36 ang nasa punerarya pa walo sa mga ito ang sasailalim sa forensic examination ni Dr. Raquel Fortun.

TAGS: bilanggo, Bilibid, libing, news, Radyo Inquirer, bilanggo, Bilibid, libing, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.