Higit 2.9M pasahero dumaan sa NAIA terminals noong Nobyembre
By Jan Escosio December 02, 2022 - 01:15 PM
Higit 2.97 milyong pasahero ng domestic at international flights ang naitala ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa NAIA terminals noong nakaraang buwan.
Sa inilabas na pahayag ng MIAA – Media Affairs Division Office, mula Nobyembre 1 – 29 may 579, 177 pasahero ng international flights ang lumipad, samantalang 907,824 namam sa arrivals.
Nakapagtala naman ng 873,248 pasahero sa domestic flights.
Inaasahan ang pag-doble ng bilang ngayon Disyembre dahil sa mga bibiyahe ngayon Kapaskuhan, international man o domestic travels.
Nabatid na nagdagdag na ng kanilang lipad ang local carriers para sa pagdagsa ng mga bibiyaheng pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.